Sa bawat hampas ng bola at langitngit ng mga sapatos, makikita ang mga pawis na animo'y kristal na bumabagsak sa sahig. Tanda ito ng determinasyon at pagsisikap na iginugugol ng iilan sa iisang bagay. Sa ilalim ng init ng araw ay makikita ang alab ng kanilang dedikasyon upang mahasa ang kanilang murang kakayahan. Ganyan ang laro, grabeng pagsisikap, pagtitiyaga at pagpupursigi ang iginugugol ng mga manlalaro upang makarating sila sa rurok ng tagumpay.
Sa iilan, ang laro ang nagsisilbing pampalipas oras sa panahong binabagabag sila ng pagkabagot, sa iba naman, ito ang nagsisilbing tagapakita ng kanilang tunay na damdamin at kung sino talaga sila, meron din naman na itinuturing itong paraan upang ilabas nila ang kanilang mga saloobin at emosyon hindi nila maipakita sa normal na paraan.
Sa laro, may mga pagkakataong natatalo ka, nadadapa, natatalisod at nasasaktan ngunit matuto tayong gamitin ang mag ito upang palakasin ang ating sarili at turuan narin ito kung papaano tanggapin ang bawat pagkatalo.
Bukod dun wala naman talagang panalo o talo sa totoong laro, dahil iisa pa rin ang ating hangarin kapag tayo ay tumapak na sa entablado nito.............ang maging masaya.
Hindi naiiba ang laro sa laro ng tunay na buhay, kailangan mong patibayin ang iyong mga tuhod at palakasin ang iyong katawan. Sa tunay na buhay, ibang laro ang sa ati'y haharap, laro na kung saan ang pamantayan ay kung papaano mo inabot ang iyong tagumpay. Kung sinungkit mo ba ito sa mabuting paraan o masama.
at sa laro ng tunay na buhay, iisang tao lamang ang huhusga sa iyong ipinakita,,,,,,,,
at ang tanging paraan niya lamang upang ika'y husgahan,,,,,
ay kung papaano mo ibinuhos ang iyong makaakya.