Salamin ng reyalidad.....ganyan ko mailalarawan ang isang lansangan. Salamin ng kung saan makikita ang iba't ibang mukha ng pamumuhay. Lugar kung saan mababatid ang tama at mali. Pook na naglalaman ng mga totoong kaganapan sa isang komunidad. Higit sa lahat, nagsisilbing tahanan na kung saan natin mababakas ang mga pawis ng paghihirap at dugo ng pagsisikap.
Ang lansangan ay nagtataglay ng mga kwento at istorya na ating kapupulutan ng aral. Katatagpuan ng mga taong higit na karapat-dapat ipagmalaki at hangaan. Makikita ang payak pero masayang pamumuhay ng mga nakatirang mamamayan. Piping saksi sa mga paghihirap ng ating mga kababayan. Ang lansangan din ang naging tagapakinig ng mga halakhak at tawanan ng mga bata, tagatala ng mga ngiti at tuwang nakaukit sa kanilang mga labi, at nagsilbing lugar ng ligaya at saya. Sa kabila ng ganitong kasayang pamumuhay ay di ko pa rin maikukubli ang mga tanong na nagpupumiglas sa aking isipan.
Kailan kaya darating ang panahong na ang bawat bata ay hindi na kakayod,,,
yung tipong mapagtutuunan nalang nila ng pansin ang kanilang pag-aaral.....
at mabigyan sila ng panahong makapaglaro ng malaya.....
Minsan naiisip ko, bakit kaya patuloy pa ring pinaglalaanan ng panahon ng mga tao ang kanilang mga bisyo sa kabila ng kahirapan ng buhay......
Kailan kaya matitikman ng bawat pilipino ang inaasam na ginhawa?
Ganyan ang mga tanong sa aking isipan na nauuhaw sa kasagutan,
nagtataka ako kung bakit tila kahit anung pagsisikap ang gawin ng ating mga kababayan ay hindi pa rin sila makaalis sa kumunoy ng kahirapan.
Sana dumating ang panahon na masilay natin ang bawat lansangan ng may payak, simple ngunit masaganang pamumuhay........
Dumating sana ang isang taong makakapag-ahon kay Juan dela Cruz sa kumunoy na patuloy tayong hinihilang pababa.
Magkaganon man,,,,
Sana lang ay dumating ang panahong umusbong na ang mga butong itinanim na kanilang pinaghirapan.
Sa isang watawat na may kulay asul, pula, at dilaw,,
isa lamang ang lansangan sa nagsisilbing patunay ng totoong estado ng Pilipinas.
Isa lamang ang lansangan sa mga mukha ng kalagayan ng ating lipunan.
Hinihiling ko na sana,,,
ang lahat ng lansangan nakapaloob sa tatlong bituin sa bandila ng Pilipinas ay tuluyan ng LUMIWANAG.